Thursday, January 9, 2025

Ako Sa Unang Buwan Ng Taon.

hiiiiii blogger.com hahaha

hindi talaga na mamaintain tong blog na to kahit kelan. wala eh nasa ibang socmed sites hehe

so ayon nga, ako sa unang buwan ng taon.

actually gusto ko lang ishare dito na nag enroll na naman ako.

nag enroll ako sa CIIT College of Arts and Technology sa Specialist Course nila which is Digital Illustration and Page Design. Patapos na holiday break namin so sa coming saturday may class na ulit kami. Excited na ko na matapos tong course na to and hoping ako na makagawa ako ng portfolio na magagamit ko sa pag aapply as a graphic designer. heto na naman tayo trying to pursue arts. pero so far mas nag eenjoy ako dito sa digital illustration kesa nung nag 3d animation ako. feel ko talaga di para sakin yung animation kaya di ko narin na pursue.

bukas naman after shift pupunta ko sa cityhall kasi kukunin ko yung PWD ID ko, nag renew kasi ako. forever ko na kaya irerenew tong PWD ID ko o one day macleclear na ko at sasabihin ni doctora na stable na ko so no need na ng medications. 

nakikinig nga pala ko ng The Script (If You Ever Come Back). Ganda naman ng kanta na to, not sure kung narinig ko na dati pero catchy yung song for me. 

naka vl nga pala ko next week ng 4 days, sayang di pa naapprove yung friday, edi sana isang buong linggo akong nakabakasyon hahaha pinlot ko lang naman kasi talaga to para sa pag renew ko ng ID ko pero di ko inexpect na maaaccomplish ko din naman pala sya within this week, so yun.

so balak ko sa sunday, pupunta ako ng musuem, sa national museum complex to be specific. tapos punta ko cubao expo, wow after so many years makakapunta ulit ako dun. gusto ko lang tignan kung andon pa yung mga antique shop and gusto ko din kasi mag picture picture so dadalhin ko yung bago kong digicam hehe tapos punta ko ng funhan mart sa vertis para mag dinner, korean mart yun and tagal ko ng gusto puntahan. baka sumaglit din ako sa solaire north para lang mag picture ng overlooking yung city sa gabi. so yun ang plano ko for sunday. sana lang wag umulan para smooth yung gala ko, im all by myself nga pala, which is exciting for me.

then come sahod day grocery tapos the next day makikipagkita ako sa college friend ko sa cafe malapit dun sa pinupuntahan nila ng daughter nya for her daughters therapy. 

dito na muna, wala naman na ko ibang masasabi hahaha kelangan ko narin mag practice ng illustrator para pagtapos ng course na inenrollan ko makapagproduce ako ng matinong portfolio at makapag career shift na. 

see you again sa next video hahahahaha dont forget to click like and subscribe hahahaha

Sunday, February 25, 2024

His name~

Nagstart ako sa new company this february. Sa BPO ulit ako pero content moderator naman kaya ok lang. Basta hindi calls or chat, goods sakin. Di ko naman inexpect na magkakaroon ako ng crush. Pero alam ko naman thats completely normal hahaha. Pero weird lang 5 yrs yung age gap hahahaha di pa ko nagkacrush kahit kanino na ganun ka-bata.

Hawig sila ni Adie, yung singer. His name is Kelly Jake Aguinaldo. Akala ko talaga nung una MJ yung pangalan nya kasi nung nagnakaw ako ng tingin sa ID nya parang ganun yung nabasa ko. Buti nalang nung last day namin sa RTO for this month naitanong ng katabi ko sa trainer namin kung anong pangalan nya. Napagkamalan pa tuloy yung katabi ko na lalake ang type nya. Muntik pa nga ako mabisto na crush ko sya pano lalapit ba naman yung trainer namin sa kanya. Nung una Kelly lang tawag ng trainer namin. Tapos maya maya nag SBS na kami sa kanya kaya nalaman ko yung full name nya, via videocall kasi yung SBS namin so kita yung name. So yun kinabukasan WFH na kami. Naglakas loob ako na iadd sya sa FB. Inaccept naman nya tapos nung hapon after shift nag chat ako sa kanya. So yun normal normal chat lang.

Pero sana mawala na yung crush ko sa kanya kasi nakakahiya na sa ganitong age ko jusko. Sa celebrity nalang ako magkacrush para naman di nakakahiya yung ganito hahahaha

Ayun lang. Sana maging friends kami. :)

Friday, October 27, 2023

At the height of the pandemic in the Philippines

 2023 na, 2 months nalang 2024 na. Its been 3 years since nung nag lockdown dahil sa pandemic. Parang ang surreal parin nung memories ko during pandemic. And yes na covid din ako, august 2021 yun. Nung unang araw ng lockdown dito sa pinas which is in 2020, i turned to facebook agad to check kung anong nangyayari. Umaga yon, may pasok sa school ang anak ko, si mama naghahatid sa kanya kasi may work ako until past midnight (homebase ako) and tulog ako ng early morning. Pero nagising ako ng 7am to find out na umuwi ang anak ko from school dahil wala daw pasok. Syempre nag fb agad ako kung bakit walang pasok to check on news outlets. Nakalockdown na pala dahil sa covid. Pati MRT hindi operational. My bf was here that day din kasi dumating sya last night para ibigay sakin yung gift nya na wacom tablet, at umuwi sya around hapon, and i felt na ng time na yon na matagal kaming di magkikita. Kaya grabe yakap namin sa kanya ng anak ko, parang mag aabroad lang. So ayun nabusog ako ng news sa social media that made me anxious dahil sa madami ng nagkakacovid, tapos madami ng city ang nakaclose unless taga don ka. Sunod sunod na rin declaration ng mga companies na walang pasok and the following weeks naman inimplement ang work from home. Buti nalang sabi ko sa sarili ko, nakahomebase na ko bago pa magkacovid.

Nung lockdown, sobrang tahimik dito samin, walang videoke, walang mga bata sa labas na naglalaro, walang nagchichismisan, walang music, walang mga sasakyan, may talyer sa tapat namin at wala din mga customer. Maaga nagsasara mga tindahan, mahaba ang pila sa grocery, ang linis ng mga shelf dahil nahoard na ng mga taong nagpapanic dahil sa lockdown. Kelangan mo pa ng ID para makalabas o makapasok ka ng barangay at pinakaimportante dapat nakamask and later on pati face shield na din. Mayat maya din ako mag spray ng lysol at pag wala ng lysol, water with bleach and inispray ko sa mga madalas hawakan dito sa bahay namin. Pag may delivery kahit shopee/lazada/grabfood/foodpanda hindi mawawala na sprayan muna ng lysol, yes kahit pagkain ang laman kelangan parin ilysol. Ganun ako katakot mahawa sa covid. May mga colleagues din ako na namatay dahil sa covid at may mga nahawa pero gumaling din naman. At hindi rin ako nakaligtas, tingin ko nahawa ako dahil nagpunta ako ng dentist. Nung na covid ako akala ko katapusan ko na talaga. Nilalagnat ako, nagchichills ako, may ubo ako, sore throat, sipon, wala din akong panlasa at pang amoy, pero strange na lahat ng kainin ko lasang parang cardboard or flowers. Kaya di rin ako nakakain, di ako makatulog ng tuloy tuloy lagi akong nagigising, at takot din ako matulog kasi baka di na ko magising. Nakaquarantine din ako sa kwarto, nung una natakot ako na magpacheck na na covid ako dahil baka kunin ako dito sa bahay, pero nagpatesting parin ako at yun nga nag positive ako. Buti nalang pumayag naman yung barangay captain namin na dito nalang ako mag quarantine sa loob ng bahay since may sarili naman akong room. Yung anak ko sa sala natutulog at di rin ako lumalapit sa kanya. Lahat ng tao dito sa bahay nakamask din. Lumalabas lang ako pag kukuha ng food at pupunta ng cr. After a few weeks gumaling din ako.

Now, looking back sa pandemic, im thankful na nakasurvive ako. Pero minsan namimiss ko yung katahimikan ng pandemic. Maingay kasi dito samin, lalo na ngayon ilang araw nalang barangay elections na at puspusan yun pangangampanya ng mga kandidato. Sana maging tahimik na ulit dito samin minus the pandemic.

Friday, December 9, 2022

Ako Sa Huling Buwan Ng Taon

Just a few days before the year ends and hindi ko parin naaaccomplish yung goal ko for this month.

Balak ko kasi gumawa ng portfolio para makapag apply sa arts/design industry pero wala parin akong nagagawa. 

Tinry ko mag drawing araw araw and to get back sa 3D arts pero ngayon ilang weeks na kong tinatamad at walang ginagawa.

Nasabi ko din sa psychiatrist ko yung plano ko and sabi naman nya wag daw ako ma discourage na mag apply kasi hindi naman magiging judgemental ang HR kung bakit ngayon lang ako nag aapply sa ganitong trabaho.

One good news is nadagdagan ako ng 1 working day so it means dagdag pang gastos ko din sa mga gamot ko. Ayoko talaga matigil ng gamot kasi nakikita ko na may improvement ako.

Hoping for a much better 2023. :)

Sunday, November 13, 2022

Erase

Erase. Delete. Mga few years na din akong nag dedelete ng mga pictures at post sa FB ko. Naka untagged na din ako sa mga pictures at dinelete ko lahat ng friends ko sa FB, pati mga chats. Hindi rin ako pwedeng iadd o ifollow o imessage request. I think I've almost completely cut ties with my old self pero parang hindi parin, obviously... With no memories to look back to and no people to talk to I thought I'd carry on just well. 

Few months back (April 2022)  nag team building kami ng mga kawork ko, its the first time din na nakita ko sila since remote ang work namin. Nagpunta kami sa batangas nag rent ng house. That time I felt so empty. I'm surrounded with people, with strangers and yet I felt so empty inside. Napayosi pa nga ako non, after being clean since 2018. Pinilit ko magpakita na nag eenjoy ako, that I was okay. But come the next day which is yung check up ko with my Psychiatrist, nag break down ako. I broke down and cried. After that pinalitan ang gamot ko which I'm still taking up to now. Tingin ko maganda naman yung reaction ko sa gamot ko kasi mas kalmado ako ngayon though tinaasan yung dosage ko, siguro dahil din sa tinaasan dosage ko. Hindi na ko nagkakaroon ng suicidal ideation di tulad dati na almost everyday naiisip ko yon and natatakot na ko sa sarili ko. Na minsan ayoko ng lumabas dahil baka kung ano gawin ko at ayoko ng magising dahil ang shit lang ng buhay ka. Pero ngayon mas kalmado na lahat. Not perfect pero at least I'm getting by just fine.

Anyway naisip ko lang na isulat tong entry na to na matagal ko ng pinaplano talaga. Marami pa kong di nadedelete na pictures sa FB but I'm working on it. The more I erase people and memories, the more I feel empty like wala akong identity. Pero naiisip ko na mabuti na din yon na makalimutan ko yung nakaraan para maging ok ako sa future...

Sayonara. 

Saturday, October 15, 2022

Let Dreams Be Dreams

Late post or lets say late update sa life ko hahaha

Let dreams be dreams?

Last year 2021 nagplaplano ako to go for bachelors degree after ko mag vocational course sa Benilde. Gusto ko pa nga sana kumuha ng Animation Degree sa Benilde. Pero after thinking about it mas gusto ko mag Fine Arts. So fast forward application process and all, natanggap yung admission ko for Fine Arts sa University of the East. Bachelor of Fine Arts Major in Visual Communication. Enrollment nalang hinihintay. After ilang ulit na pag balik sa uni at palitan ng emails nawalan ako ng gana...

Gusto ko kasi mag free section dahil full time ako nag wowork pero super late na ng enrollment tapos naisip ko 5 days parin akong papasok kahit pa hindi ako regular student. Parang hindi ko kaya yon kaya naisip ko na wag na tumuloy...

Sayang kasi andami ko ng ginawa and all tapos biglang aayaw din ako. Then fast forward ulit pinaretrieve sakin mga documents ko. Isa din sa nawalan ako ng gana yung sabi ng Dean na di ko matatapos in 4 years yung degree kung di ako regular student.

So ayun let dreams be dreams nalang talaga siguro.

Pero naisip ko mag ETEEAP nalang kaso gusto ko kasi talaga mag arts degree.

If ever na mag ETEEAP ako English or Communication degree ang pwede sakin. Ang maganda lang don 1 year lang matatapos ko na daw.

I dont know. Nawalan ako ng gana mag aral. Sa ngayon nag hahanap ako ng work sa arts/design kahit wala pa kong portfolio. Browse lang ako ng browse sa jobstreet at indeed.

Anyway... Life goes on.



Sunday, October 2, 2022

Another Life Changing Event

Hindi talaga ako makapagkeep ng maayos na blog kahit kelan hahaha

either im so busy sa ibang bagay o nakakalimutan ko nalang

kahit yung blog ko ng college hindi ko rin naman nakeep but anyway matindi naman yung wrong grammar ko don so wag ng balikan

"Another Life Changing Event"

actually december 2021 pa nangyari tong "Major" event na to, but i will try my best na hindi na pahabain at isummarize nalang kasi inaatake na naman ako at need ko na uminom ng gamot pero tinatamad pa ko.

After several years na kinakaya ko at nauuwi lang sa simpleng term na "kadramahan" ay finally na diagnose ako na may Severe Depression at PTSD at nag gagamot ako ngayon. 3 yung gamot ko. Somehow naman nag ok yung pakiramdam ko pero andyan parin sya.

Nung una ayokong uminom ng gamot kasi natatakot akong maging dependent. Ilang beses din ako pinag sabihan dati na pumunta na ko ng psychiatrist pero feeling ko naooffend ako pag sinasabihan ng ganon saka feeling ko ayaw na ng mga tao na makinig sa mga "drama" ko kaya sinasabi nila na magpapsychiatrist ako. Feeling ko hindi naman ako baliw kasi ganun ang tingin ko sa mga nagpupunta sa ganon at lalong ayoko maconfine sa hospital ng mga baliw.

Until recently i decided na kumuha ng vocational course (6months) sa animation sa DLS-CSB na may mga nakilala ako na going through the same condition at yun din yung nag bigay lalo ng lakas ng loob sakin na magpunta na talaga kasi hindi na biro yung mga nangyayari at naiisip ko.

Base sa assessment sakin ng psychiatrist, bata pa ko meron na kong depression, tapos lumala, kaya eto ko ngayon may Severe Depression o yun tinatawag na Major/Clinical Depression in other terms tapos may PTSD pa. Not only that gusto akong iconfine sa psychiatric ward ng doctor kasi baka daw mag attempt na naman ako, pano kung mag success ako. Pero thankfully pumayag naman na wag na dahil ayoko talaga. Wala din kasi akong support dahil hindi alam ng kahit sino sa family ko yung about dito. Oops nag alarm na yung para sa gamot ko ngayong gabi. need na need na talaga kasi inaatake ako ng anxiety pag gabi.. brb~

a few moments later~

so yun binigyan ako ng mga gamot at ilang beses din ako nagpalit ng gamot at ng dosage kasi parang walang umeepekto sakin

katulad ngayon ilang linggo na akong malungkot, iritable at laging may iniisip. iniisip ko yung taong nakilala ko nung 2013 na ginawan ko din ng blog. gusto ko kasi syang hanapin, makipag connect sa kanya for some reason. ewan ko ba. nag chat at email ako sa dalawang email address nya, hinanap ko yung number nya sa back up ng dati kong phone, naghanap sa facebook, twitter, viber, google, mga taong may connection sa kanya pero ni isang picture nya wala akong makita. alam ko naman lilipas din to kasi nakamove on na talaga ako sa kanya noon pa pero for some reason talagang gusto ko syang kamustahin. may asawa at anak na ba sya? buhay pa ba sya? nasa ibang bansa na ba sya? o probinsya kaya? nakasurvive ba sya sa pandemic? iniisip ko nga ulit na bumalik ng call center para magbakasali na makita sya ulit pero hindi na kasi dun papunta yung buhay ko. hindi na sa call center... sana one day maisip nya na kamustahin ako. alam ko malabo pero sana lang naman.

anyway balik tayo, so dati PWD ako dahil sa orthopedic disability, pero nung nag renew ako, psychosocial disability na nakalagay. sobrang mahal ng gamot tapos monthly din ang check up ko. sa ngayon tatlo ang gamot ko, antidepressant, antipsychotic, at anxiolytic. hopefully hindi na madagdagan kaya sana naman kumalma na tong pag iisip ko sa taong nakilala ko ng 2013 para naman sa next check up ko maganda yung sasabihin ko sa psychiatrist ko. kasi pag hindi na naman, ay nako baka taasan dosage ko o baka magpalit ako ng gamot, o madagdagan. umiiyak na wallet ko pero para maging ok ako kelangan talaga. alam ko naman mas ok na ko ngayon kesa dati, mas may clarity ako. kagabi may suicidal ideation na naman ako dahil sa kakaisip kay 2013, as if naman na iniisip din nya ko. eh wala nga syang pakelam sakin haha

so ayon.. sana maging ok na ko... :)