Sunday, February 24, 2019

2nd night at the hospital

nung 2nd night ko umalis yung bantay ko kasi may gig sila
around 3pm wala na kong bantay
naglaro lang ako sa ipad saka nag browse sa phone ko
and same lang kumain ako ng dinner nung malapit na kong uminom ng gamot
and from time to time pinupuntahan ako ng nurse sa ward, and wala parin akong kasama na patient
tapos ako din kumuha ng water ko sa labas medyo malayo nga lang
nag set up ako ng video sa phone ko para in case na may pumasok saka naka on naman yung data ng phone ko kung may kukuha kaya ko naman itrack ng find my iphone
so yon dumating yung gabi around 8pm tinanong ako ng nurse nasan bantay ko
sabi ko mamaya pa sya dadating
tapos naiwan na ulit ako
nung napagod ako maglaro sa ipad kinuha ko phone ko saka matutulog na sana ako
around 9pm na yon
tapos humiga ako
mga wala pa kong ilang minutes na nakahiga nakaramdam ako na parang umuuga yung kama
akala ko lumilindol so nakiramdam ako iniiwasan ko magpanic kasi delikado pag may lindol na nga mag papanic ka pa
tinitignan ko yung dextrose ko dalawa yung nakasabit pero hindi gumagalaw yung laman sa loob
tapos yung tumbler ko tinignan ko din pero hindi naman gumagalaw yung tubig
tapos isip ko kung lumilindol sana pinuntahan na ko ng nurse pero wala naman dumating na nurse
umuuga parin yung kama ko, nakatagilid ako non, tapos tumihaya ako maya maya wala na yung uga
medyo natakot na ko kasi nasa hospital ako tapos mag isa pa ko
maya maya dumating na yung bf ko na bantay ko
pinauwi sila ng bar kasi yung gitarista nya palpak tumugtog
tapos sinabi ko sakanya yung nangyari
tapos non maya maya pinatay namin yung aircon kasi ubo talaga ko ng ubo hindi ako makatulog sa ubo
tapos medyo hindi parin ako makatulog dahil ihi din ako ng ihi tapos ubo ako ng ubo
around 2am gising parin ako, ilang oras na namin pinatay yung aircon kahit medyo nabawasan yung pag ubo ko hindi parin ako makatulog
galing ako sa cr tapos umupo ako sa gilid ng kama
habang nakaupo ako naramdama ko na may sobrang lamig na hangin na lumapit sakin at nag stay lang sa side na yon
kung hangin yon bakit sya na stuck sa side na yon
kaya naisip ko baka multo nagpaparamdam
tapos ginising ko bf ko
sabi ko may malamig dito sa side ko
tapos kinapa nya yung side ko
sabi nya, i know what that means
tapos dun na ko naiyak
kasi hindi nya malalaman na malamig unless nung kinofirm nya, at hindi malamig sa side nya
naiyak ako kasi pagod na ko kakaubo gusto ko ng matulog at magpahinga tapos may ganun pa
tapos non bumangon sya nagpatugtog kami ng phone nag youtube nag laro ako sa ipad
maya maya wala na yung malamig na hangin sa side ko.
damn, that was really creepy. im so scared.

from the other world

hindi ko pa nasulat dito yung ghostly experience ko nung 2nd night ko sa hospital
na discharge na pala ko nung isang araw. 3 days confinement.
andito na ko sa bahay and kaninang umaga nanaginip ako, it was actually a nightmare
yung first part nya hindi related kaya hindi ko nalang iinclude
so yung panaginip ko goes like this...

bumalik daw ako sa hospital dun sa naconfine ako
ako lang mag isa tapos may dala pa kong mug na may laman na tubig
nung dumating ako sarado yung parang pinto sa building papasok pero di naman nakalock
tapos pumasok ako
pagpasok ko same thing walang tao
tapos medyo naliligaw ako ng konti papunta sa ER
tapos on my way sa hallway sa dulo meron tumatakbo na lalakeng nurse nakauniform kasi sya ng pang nurse kaya alam ko na nurse sya
tapos yung paa nya nawawala or medyo transparent sya
tapos naglakad parin ako hanggang sa makarating ako sa ER
pag pasok ko sa ER andun ang isang babaeng doctor tapos may patient na medyo matanda na babae (ngayon ko lang narealize na ER ng ibang hospital yung nakita ko)
sabi ko sa doctor bago ko sabihin yung sakit ko kasi medyo nagmamadali din ako kasi parang masama yung pakiramdam ko, asan yung cr kasi mag ccr ako
then tinuro nya sa labas
meron tao and yung medyo may edad na patient medyo masungit din at gusto nya sya mauna sa cr
sobrang tagal nung gumagamit kaya umalis sya at pumunta sya sa likod ko
tapos nung tapos na yung gumagamit ng cr kumatok sya ng twice bago nya binuksan
medyo may parang mga cloudy thing na lumabas sa side ng baba basta malapit sa floor
tapos nakita ko yung babae na nasa teens nya or early 20s maputi sya nakatali yung buhok medyo chubby na hirap na hirap huminga parang hinihika
narealize ko na multo sya sa panaginip ko kasi parang nawawala yung paa nya parang nakalutang sya
so nagpanic ako pati yung matanda na patient kaya tatakbo na ko pag harap ko sa kanan ko kasi yun yung palabas may bata around 3 yrs old na nabangga ko parang nakapila din sya para magcr and wala din syang paa kaya mas nagpanic ako at tumakbo daw ako sa ER
nasa ER ako umiiyak ako sa takot tapos may humawak sa likod ko
dun na ko nagising kasi parang sinuntok ko yung hahawak sa likod ko
yun pala hinawakan lang ako ng bf ko na katabi kong matulog
nagising ako na takot na takot at naghahabol ng hininga katulad nung mga past nightmares ko.

Thursday, February 21, 2019

still sick

2nd day ko ng nakaconfine sa hospital
actually wala pa kong 30 minutes sa loob ng ward gusto ko ng umuwi
last tuesday i thought magaling na ko.
i was wrong
nagpahinga naman ako buong araw nung monday
then come tuesday nung malapit ng mag lunch pakiramdam ko lalagnatin na ko
then the inevitable happened.
naihatid ko pa sa school ang baby ko at nasundo ko pa
pero sobrang taas na ng lagnat ko
6am palang ang sakit na ng pag ihi ko
yung tipong napapakapit ako sa shorts ko habang umiihi
at napapaiyak with sound effects
may tampo pa ko sa love of my life ko pero nagchat parin ako sa kanya na need ko ng help
ramdam ko na kelangan ko na talagang pumunta ng hospital
so pinuntahan nya ko dito sa bulacan, he's from qc
natanong pa ko kung nakipagkemehan ako sa iba
kakaoffend lang naging unfaithful pa ko bigla
yun daw kasi symptoms ko baka tanungin ng doctor yung question na yon
sabi ko kaya ba gusto mo ng malaman yung sagot ngayon?
then pumunta kami sa pinakamalapit na hospital samin which is like less than a mile
isip ko sana st lukes nalang dahil dun ako may record pero malayo at hindi ko na talaga kaya
ayoko din kasi dun sa hospital dito samin
why?
hindi tight yung security di ka tatanungin san punta mo at madalas walang guard sa labas
private to
tapos madami silang resident cat saka di malinis yung facilities nila at premises
wala rin masyadong tao dito para syang abandoned at matatakot ka sa aura sa paligid sobrang tahimik malayo sa mga bahay at tapat ng nlex.
anyway dumating kami sa empty emergency room
ilang beses akong nagpaliwanag ng nararamdaman ko at ilang beses akong sumagot sa same questions
not sure bakit parang lutang sila sa presensya ng isang patient
ako pa nagsabi na gagamit ako ng card na madalas unang tinatanong sa patient
hindi naman tinanong sakin ng doctor kung kumeme ba ko sa iba
so yon pinakuha ako ng urine sample
sobrang sakit ng pag ihi ko at na shock ako na pulang pula yung ihi ko, hindi pink at hirap akong maglakad sinabayan pa ng mataas na lagnat at ubo
nashock yung nurse na isa sa ihi ko nung dalhin ko sa ER
lalo tuloy nagpanic yung insides ko
feeling ko napakalala ng sakit ko and im dying
thats blood its the first time i saw that ad wala naman akong period
sabi sakin ng nurse mapaadmit na daw ako
sabi din ng doctor magpaadmit na ko and all nakacard naman daw kasi ako
kinabitan na din ako ng swero at nahirapan yung nurse kaya twice ako natusok
dehydrated daw kasi ako kahit dami kong magtubig
nag skin test pa sakin sobrang sakit pinigil ko lang yung sigaw ko dapat kaya maliit na sound lang nagawa ko tapos napayuko nalang ako, till now mapula parin yung skintest sakin
tapos baka daw sobrang lala na UTI, may chronic UTI kasi ako
o baka daw kidney stones kaya ipapaultrasound din ako para makita
dami kong gamot anim yung ininom ko na sunod sunod
ibat ibang shape at sizes
maya maya meron silang emergency na vehicle accident
911 dispatcher yung nakita ko na pumasok sa ER at sobrang urgent nung dating ng mga sinasabi nya
which dapat naman talaga. i only see that in the movies
natatakot din ako kasi baka makakita ako ng blood covered body ng taong naghihingalo
tapos sabi ng nurse iaakyat na ko, baba nalang for ultrasound
so yun umakyat na ko on wheels
ako lang mag isa sa ward with 4 beds
tapos ilang minutes lang bumaba ulit kami para sa ultrasound
mayat maya pa naman ako naiihi hindi nawawala yung urge kaya nahirapan din ako
medyo matagal din yung ultrasound kasi parang madaming kinuhanan sa screen yung radiologist?(yun ba tawag dun?)
nag pink na din pee ko at minsan parang may mga dust or sediment? blood clot? na kasama. di ko talaga maexplain yung weird stuff na sumasama sa pee ko. pero somehow nabawasan na yung pain pag umiihi ako.
aside sa anim na gamot na iniinom ko, meron pa kong isa pang antibiotic na pinapadaan nila sa swero
kaya yung bff ko na kung ano man yung tawag dun, dalawa yung nakasabit, isang dextrose, at isa pang dextrose na may nakakabit na antiobiotic
same katulad nung past few days hindi rin ako pinatulog ng ubo ko
puyat din ako sa first night ko sa hospital
the next day nakita na ko ng doctor ko bandang hapon
sabi nya either today or the next day nya ko palalabasin
however hanggang ngayon andito parin ako at mamayang gabi pa daw sya magrorounds
most likely bukas pa talaga ko makakalabas
ayoko na talaga dito
may horror na nga na nangyari sakin dito pero sa next post ko nalang ilalagay
btw meron na kong kasama today na late afternoon dumating
i dont like her, she kept shouting on the guy shes with
parang palengkera idk parang di sya nahihiya na may mga taong nakakarinig sa pag bibitch nya
maybe thats normal for other people
but my god at least show some respect sa mga taong kashare mo ng room
this blog post is getting longer
ill try to post later
hirap magtype ng isang kamay

Monday, February 18, 2019

sick.

Last saturday ang sama ng pakiramdam ko
pakiramdam ko talaga magkakasakit ako
pumunta kong clinic pero nung chineck ng nurse temperature ko ok naman
fast forward ng 4pm, isang oras nalang out ko na eh
di ko na talaga kaya so bumaba ulit ako sa clinic annnnnnd
naka lunch yung nurse. -_-
buti nalang nakahingi ako ng gamot sa kateam ko
i took one biogesic and requested for a 15 minute break
talagang masama pakiramdam ko
feeling ko lalagnatin ako pero normal naman temperature ko
at hindi ako mainit sabi ng mga kateam ko


so yun nakauwi naman ako agad at pag uwi ko nahiga ako agad
masama pakiramdam ko at nung magcheck ako ng temperature ko medyo may sinat na ko
natulog na ko agad
hindi man lang ako nakashower juskelerd...
nagising ako after 1 hour at sobrang taas na ng lagnat ko
hanggang madaling araw nagigising gising talaga ako
kaya nag inform na kong di ako makakapasok bukas
at yung bf ko dumeretso dito sa bahay after ng gig nya
inalagaan naman nya ko at nung umaga nawala lagnat ko 
medyo nahihilo nga lang ako
pero dahil makulit ako nag violin pa ko buong araw


nung pagabi na ayun at nilagnat na naman ako. that was last night
pero since may gig ulit si bf umalis sya medyo sad lang wala sakin nag aalaga haha!


ngayon ubo naman ako ng ubo
wala naman akong lagnat and hopefully hindi na ko lagnatin ulit

Friday, February 15, 2019

same old, same old

as usual late na naman today
bukas sana hindi na ko late kasi running lates ko more than 4 hours na
so ang laki narin ng salary deduction ko -_-
anyway nakapagsulat ako (actually tinype) ng ilang parts ng novel na tinatapos ko
deadline last business day ng march pero eto ko at 6k words parin out of 60k word count
parang feeling ko di naman tatanggapin but ill still try


shit sa office, gusto ko minsan maging kriminal at makapatay ng isa sa mga supervisor
kaso hindi pwede, anyway bullshit is bullshit so iwan nalang kung san nararapat

nakapagviolin ako ng medyo matagal i think 1 hour?

sumakit ang ulo ko sa problema dito sa bahay minsan gusto ko na talagang mag wala.

Thursday, February 14, 2019

Hearts Day

As usual walang bago sa 8am-5pm office job ko
traffic yung papasok, sabay kami umalis dito sa bahay kasi uuwi na sya sa kanila
he spent 3 days dito samin dahil sa pabalik balik din ako sa st lukes qc..
anyway nakapila ako sa mrt na mas mahaba pa sa pilahan ng lotto nung nag 1 billion,
isama na yung nfa rice na pila.

tapos may nadaaanan kami na nagtitinda ng mga roses
nagandahan ako kaya napatanong ako sa kanya bigla kung totoo kaya yun
kasi bihira sa bangketa yung magagandang rose

continue nakapila kami at nung umandar yung pila nawala naman sya bigla nag txt pa ko sakanya
tapos pagbalik nya binilhan nya ko ng red rose
sobrang naappreciate ko yung gesture nyang yun
wala kaming pera at maraming gastos
freelance musician sya dahil kakaresign lang nya sa company na pinapasukan ko din
instead na isave nya pangkain o pandagdag sa bills yung pera, ibinili nya ng rose para sakin

im so happy hindi lang dahil sa rose
kundi dun sa thought na naisip parin nya kong bigyan kahit gipit kami ngayon

medyo nagkakaroon ako ng second thoughts sa pag enroll sa ab communication arts
kahit discounted yung tuition at hulugan sya
gusto ko parin nung free tuition at lalong mas gusto kong kunin yung
either fine arts major in painting o malikhaing pagsulat

pero sa lagay ko ngayon mas kelangan kong unahin yung gumaling ako kesa mag aral...
pero gano kaya kakonting oras yung natitira sakin bago ko tuluyang maging disabled?

Wednesday, February 13, 2019

Life Changing

Ang daming nangyari sakin in the past few weeks
and hindi ko na naman na maintain yung blog na to hahaha
busy sa work, busy sa bahay daming gawain na pinipilit tapusin sa lahat ng spare time
daming happenings sa office
nag hahanap ng trabaho online
busy din mag violin at nagsusulat pa ko ng story
pero at least natapos ko na yung isang classic novel na binabasa ko


anyway.. life changing..
nung isang linggo nalaman ko na qualified pala ang scoliosis patient as pwd
thats new info to me, nasabi lang sakin ng officemate ko


i have severe scoliosis na kelangan na ng surgery

so yon nagpunta ko nung monday sa st lukes qc at napakatagal ko don
hapon na kami nakauwi ng special someone ko (hehe)
then the next day ininterpret na ni dr yung xray ko
3rd time ko palang nagpaxray sa scoliosis ko
kukuha din kasi ako ng pwd id so yun

nung kinakausap ako ng dr napaiyak ako hindi ko napigilan though nung umaga palang non
sa bahay namin umiiyak na ko kasi natatakot ako sa mga pwedeng mangyari

40 degrees na yung scolio ko at pakiramdam ko nasentensyahan na ko ng panghabang buhay

kailangan ko na daw ng surgery at nag quote yung dr ko ng amount in which hindi ko kayang ipunin sa trabaho ko ngayon


nawalan na ko ng pag asa na mag aral gusto ko sana ulit mag aral para makagraduate na ko
and possibly makahanap ng mas maayos na trabaho na gusto ko at may magandang sahod

ayoko talaga magpasurgery kaya eto naghahanap ako ng way para kahit bracing nalang sana

nakakatakot napakadaming risk pero buti nalang nakahanap din ako ng parang support group sa fb
at least hindi ko naiisip na parang alone ako

kasi for a very long time feeling ko mag isa lang ako sa super rare parang tatlong tao palang
yung nakilala ko na merong scoliosis...

anyway next week makukuha ko na yung pwd id ko and sana hindi ko na sya irenew after 3 yrs

sana maging ok na lahat
nakakapagod narin na lagi kang nahihirapan araw araw...