Monday, March 25, 2019

PULP SUMMER SLAM 19: THE SECOND COMING

march 23, 2019
pinakaaabangan na araw ng mga metal sa buong pilipinas at pati sa ibang bansa
dinadayo din kasi ng mga foreigner ang pulp o slam
headliner this year ang SLAYER
na sadly final world tour na
umaga palang papasok sa office nag iisip na ko kung aabsent ba ko o mag hahalfday o mag sasakit sakitan
hindi kasi naapproved yung leave ko
wala din akong ticket, nahospital kasi ako, walang pera
bago ko umalis ng bahay nag palit pa ko ng damit
nakaskirt kasi ako na regular kong office attire
pero nagpalit ako ng jeans at yung event shirt last pulp 18
pagdating ko sa office umaasa ako na magkaroon ng voluntary time off
pero sa kasamaang palad wala, at 5pm pa out ko
nung lunch pumunta ko ng sm para bumili ng ticket
naisip ko bahala na
ginamit ko ang savings ko at bumili ng dalawang vip
isa sakin at isa sa bf ko na nag away pa kami
hindi kasi sya metal at walang hilig sa metal at kj lang sya kung tutuusin
anyway so much for the bad vibes
dumating ang 5pm talagang sobrang nagmadali ako dahil galing pa ko ng ayala
tapos sa amoranto pa yon most likely 6pm na ko makakarating
yung bf ko na nakakainsulto bumili pa ng headset sa cubao dahil may trabaho sya at kelangan daw nyang tapusin kahit nasa pulp kami
ang sabi ko maingay dun hindi nya magagawa yon
ang sabi nya hayaan ko daw silang mag ingay
ang asshole nakakasawang pakisamahan
insensitive
nakakasira sya ng excitement kung may kasama lang ako sa vip di ko naman sya aayain
kaso kasi nasa genad yung mga pwede kong samahan
dumating kami sa venue ng 6pm sabi ko ok na to kesa wala
emmure yung naabutan ko at parang iba sa pakiramdam na sa ibang gate ako pumasok
paakyat kasi yung hagdan tapos pag akyat ko kita ko yung buong amoranto ang daming tao at buhay na buhay din sa genad
nagtataka din ako bakit walang freebie kasi normally ang daming freebie pero nag chill lang ako at una kong hinanap ang stall ng event shirt excited lang ano kayang design nila this year
tapos nag tataka parin ako kasi normally may mga maliliit na stub yung ticket pero ewan ko baka may iba silang pakulo
pero nung nag tanong ako sa pilahan ng red horse kung may free beer, sabi wala daw
nung nasa pilahan naman ako ng food nag tanong ako ulit kung may freebie, wala din daw
late comer kasi ako kaya gusto ko talagang malaman kung may freebie o wala
may mga nakikita din kasi ako na may dala na poster siguro o calendar iniisip ko san nila nakuha
pero hindi ko rin nalaman kung san nila nabili dahil wala akong nakita o baka natakpan somewhere
nasa unahan ako tulad ng dati
wala kong balak umislam puro headbang lang ako
masama kasi sakin ang masyadong force sa katawan dahil sa spine ko
pero nung thy art is murder na wala akong choice hahahaha!
iniislam na ko nung mga katabi ko puro lalake pa ang lalakas hahahaha kaya umislam narin ako dahil pag di ako gumalaw dun ipit ako hehe
minsan lang naman to titiisin ko nalang yung sakit, actually hanggang ngayon nakakaramdam parin ako ng sakit ng katawan kahit lunes na
nung slayer na lalong nagkagulo slaman headbang circle pit actually nagpawall of death pa yung thy art is murder hindi nga lang ganun kaangas yung wall of death
isang oras na tuloy tuloy lang tumugtog ang slayer napakaangas mapapamura ka ang gagaling
si kerry king na matagal kong pinangarap na mapanood ng live dahil ang galing nya mag gitara, minsan din kasi akong nangarap na maging leadista napanood ko na din
tangina talaga!! slayeeeeeeer!!
napakalapit lang nila sulit na sulit yung vip ko kahit wala nung mga nakasanayan ok na ok lang
ang importante nakita ko sila hindi sa tv hindi sa malayo kundi malapitan
meron lang siguro isang dipang layo na pagitan kung wala lang bouncer baka nahawakan ko pa ang kamay nila
this is the best pulp summer slam in my life thank you pulp thank you vernon thank you sa mga banda na tumugtog at thank you slayer dahil kasama kami sa mga bansa na binalikan nyo para sa final world tour nyo
nung matapos silang tumugtog isa isa silang nag ikot sa stage at nagpamigay ng pick at drumstick sa crowd
lahat nagchachant ng slayer slayer slayer
ang mga tao nagpapasalamat
nakahorns up
pumapalakpak
gusto ko maging emosyonal din pero pinigilan ko nahihiya akong mapaiyak
nakita ko sa mukha ni tom araya yung lungkot habang tinitignan nya ang crowd
nasa mukha nya yung itsura na sinusulit nya yung mga sandali na hinding hindi na mauulit oras na mag retiro sila
naiintindihan ko ang pagmamahal nya sa musika dahil tulad nya mahal ko din ang musika
dama ko yung masaya sya na nakatugtog sila at masaya sya na makita ang mga tao pumunta pa galing sa malalayong probinsya at malalayong bansa, australia, argentina, uk, atbp.
sold out ang pulp royalty, ngayon ko lang din nabalitaan na nasold out ang pulp royalty
hanggang ngayong parang gusto ko parin umiyak parang may nakabara sa lalamunan ko pero di ko magawa
paulit ulit sakin yung moshpit yung marinig sila ng live makita sila ng live
ng humarap sa dereksyon namin si tom talagang pumalakpak ako sa kanya
ibang klase
slayer hindi mapapalitan ng kahit sinong banda
napakalupit
pati sa last words ni tom araya


"thank you very much, we'll miss you guys... good night."


nag wave sya at umalis

kahit nung matapos na yung pulp parang ayoko pang umalis
talagang ayoko pang umalis hindi ko alam kung bakit
magkahalo yung saya at lungkot ko
eto namang kasama ko uwing uwi na nakakabadtrip lang eh dapat dun tinapon ko sa gitna ng wall of death
anyway, pati yung last na ewan ko big poster tarpaulin sa likod ng slayer nakalagay pangalan ni hanneman, hanneman at yung angel of death, si hanneman yung namatay nilang gitarista, sumulat ng angel of death, raining blood at south of heaven kung san kinuha yung the second coming
nahulaan ko nga din na slayer yung headliner dahil sa theme na the second coming, nasa lyrics kasi ng south of heaven to at 2nd time din nila sa pinas ngayon, last time na din pala


bago ko umalis pinicturan ko pa yung stage ng pulp sa gitna

mabigat ang mga paa ko na umalis ng amoranto
parang ayoko pa talaga matapos lahat
pasado 11.30 lang ng gabi


SLAYER HINDING HINDI KO KAYO MAKAKALIMUTAN MARAMING SALAMAT SA MEMORABLE EXPERIENCE AT SA MUSIC SALAMAT, SALAMAT!!!

Friday, March 15, 2019

rainbow bridge

im still crying because oreo is gone
pero naisip ko andun na sya sa rainbow bridge
at hindi na sya nahihirapan
he has been a very good boy...

Goodbye

around 7am today nagising kami ng maaga
actually sya yung naunang nagising
naramdaman ko ng tumayo sya pero dahil inaantok pa ko natulog parin ako
tapos ilang beses nya ko tinry gisingin ayoko pa sana
yung gising nya kasi yung hinahawakan lang nya ko pero hindi sya nag sasalita
tapos sabi nya uuwi na daw sya
tapos dumilat ako sabi ko ngayon na?
medyo antok pa ko pero oo daw
kagabi kasi tinawagan din sya ng tita nya na umuwi na kasi magbabayad sa meralco
pero hindi ko naman na expect na ganito kaaga
tapos sabi ko anong oras na ba
alas syete na daw
tapos di ako nagsalita medyo antok lang talaga
tapos narinig ko na singhot sya ng singhot
may ubo na talaga sya
tapos bigla kong tinanong kung ok lang ba sya na ewan ko
siguro in normal days di ko naman sasabihin kung ok lang sya
hindi sya nag salita agad
sabi ko siguro nahirapan sya matulog kagabi ang init daw kasi
pero sumisinghot sya so nalamigan sya?
tapos bigla nyang sinabi na patay na si oreo yung aso na bigay ng ex nya siguro may isang dekada na rin yung age ng aso nya
nagulat ako at una kong sinabi, "HA?!"
tapos inawat nya ko wag daw akong maingay
tapos napatayo ako niyakap ko sya agad
tapos umiiyak pala sya at hindi sumisinghot
ang dilim kasi sa kwarto ko dahil sa makapal yung mga kurtina ko dalawang patong pa
kaya di ko nakita na umiiyak pala talaga sya
tapos yung inakala ko earlier na nag tatagal lang sya ng muta
nagpupunas pala sya ng luha
hindi ako nakapagsalita
gusto kong mag sabi ng sorry
kaya mo yan
pero naramdaman ko na hindi tama
naiiyak din ako pero ayokong umiyak dahil pag umiyak ako hindi sya makakaiyak
may cancer kasi si oreo at expected na din daw nya yung mangyayari
niyakap ko nalang sya ng matagal hanggang di sya bumibitiw niyakap ko lang sya
ngayon naiiyak ulit ako
pero mas mabuti na to na hindi nya nakikita
umalis na sya para umuwi hindi sya kumain o naligo
sana may kaya akong gawin para mapagaan ang mga bagay bagay...
nung hinatid ko sya sa gate nasabi ko bigla na this is such an ugly day
makulimlim pero hindi ganun kadilim para masabi mo na uulan anytime...

Thursday, March 14, 2019

continuation

after ilang days nagkaayos din kami
hindi naman na daw nya ineexpect na magkaayos kami
kung di ko pa sya kinausap siguro forever na kaming naghiwalay
effort at its finest right
it wont happen daw sabi nya
i just hope so
dalawang cut off na kong sumasahod na parang below minimum
ang hirap mag budget
ngayon din kasi nakasabbatical pa ko at ang dami kong absent dahil sa hospital
mygod sana matapos na to
at ayoko na talagang magkasakit kung pwede lang
para kasing every year lagi akong may bagong episode sa hospital
its getting old
pero siguro talaga pag tumatanda na
oh well
magbabasa muna ko ng book.

Tuesday, March 12, 2019

feelings

march na
ang daming nangyari sa ganun kaikling araw from my last post
we broke up two nights ago
to cut the long story short, nung na confine ako he said something offensive
na kailangan nya kong iwan para sa gig dahil may sarili din naman syang buhay
iiwan nya kong mag isa sa hospital
as a partner hindi ba dapat alagaan nya ko?
saka hindi ba ko kasama sa buhay nya para mag hanap pa sya ng me time ng kailangan ko sya
just pure insensitive.
it only proves na hindi nya ko ganun ka mahal
siguro infatuation lang nararamdaman nya
i really dont know and maybe i dont wanna know
this is not even the first time na nagsabi sya ng offensive sakin
i gave him a lot of chance
but he just wasted all of it
ni wala man lang syang effort para ayusin kami
so i decided na ako naman yung magmamahal sa sarili ko
kasi for the longest time nagpakababa ako tinanggal ko lahat ng pride ko
like what my friend would always tell me, "have some pride."
i should have listened to my friend.