Friday, October 27, 2023

At the height of the pandemic in the Philippines

 2023 na, 2 months nalang 2024 na. Its been 3 years since nung nag lockdown dahil sa pandemic. Parang ang surreal parin nung memories ko during pandemic. And yes na covid din ako, august 2021 yun. Nung unang araw ng lockdown dito sa pinas which is in 2020, i turned to facebook agad to check kung anong nangyayari. Umaga yon, may pasok sa school ang anak ko, si mama naghahatid sa kanya kasi may work ako until past midnight (homebase ako) and tulog ako ng early morning. Pero nagising ako ng 7am to find out na umuwi ang anak ko from school dahil wala daw pasok. Syempre nag fb agad ako kung bakit walang pasok to check on news outlets. Nakalockdown na pala dahil sa covid. Pati MRT hindi operational. My bf was here that day din kasi dumating sya last night para ibigay sakin yung gift nya na wacom tablet, at umuwi sya around hapon, and i felt na ng time na yon na matagal kaming di magkikita. Kaya grabe yakap namin sa kanya ng anak ko, parang mag aabroad lang. So ayun nabusog ako ng news sa social media that made me anxious dahil sa madami ng nagkakacovid, tapos madami ng city ang nakaclose unless taga don ka. Sunod sunod na rin declaration ng mga companies na walang pasok and the following weeks naman inimplement ang work from home. Buti nalang sabi ko sa sarili ko, nakahomebase na ko bago pa magkacovid.

Nung lockdown, sobrang tahimik dito samin, walang videoke, walang mga bata sa labas na naglalaro, walang nagchichismisan, walang music, walang mga sasakyan, may talyer sa tapat namin at wala din mga customer. Maaga nagsasara mga tindahan, mahaba ang pila sa grocery, ang linis ng mga shelf dahil nahoard na ng mga taong nagpapanic dahil sa lockdown. Kelangan mo pa ng ID para makalabas o makapasok ka ng barangay at pinakaimportante dapat nakamask and later on pati face shield na din. Mayat maya din ako mag spray ng lysol at pag wala ng lysol, water with bleach and inispray ko sa mga madalas hawakan dito sa bahay namin. Pag may delivery kahit shopee/lazada/grabfood/foodpanda hindi mawawala na sprayan muna ng lysol, yes kahit pagkain ang laman kelangan parin ilysol. Ganun ako katakot mahawa sa covid. May mga colleagues din ako na namatay dahil sa covid at may mga nahawa pero gumaling din naman. At hindi rin ako nakaligtas, tingin ko nahawa ako dahil nagpunta ako ng dentist. Nung na covid ako akala ko katapusan ko na talaga. Nilalagnat ako, nagchichills ako, may ubo ako, sore throat, sipon, wala din akong panlasa at pang amoy, pero strange na lahat ng kainin ko lasang parang cardboard or flowers. Kaya di rin ako nakakain, di ako makatulog ng tuloy tuloy lagi akong nagigising, at takot din ako matulog kasi baka di na ko magising. Nakaquarantine din ako sa kwarto, nung una natakot ako na magpacheck na na covid ako dahil baka kunin ako dito sa bahay, pero nagpatesting parin ako at yun nga nag positive ako. Buti nalang pumayag naman yung barangay captain namin na dito nalang ako mag quarantine sa loob ng bahay since may sarili naman akong room. Yung anak ko sa sala natutulog at di rin ako lumalapit sa kanya. Lahat ng tao dito sa bahay nakamask din. Lumalabas lang ako pag kukuha ng food at pupunta ng cr. After a few weeks gumaling din ako.

Now, looking back sa pandemic, im thankful na nakasurvive ako. Pero minsan namimiss ko yung katahimikan ng pandemic. Maingay kasi dito samin, lalo na ngayon ilang araw nalang barangay elections na at puspusan yun pangangampanya ng mga kandidato. Sana maging tahimik na ulit dito samin minus the pandemic.

No comments:

Post a Comment