Sunday, February 25, 2024

His name~

Nagstart ako sa new company this february. Sa BPO ulit ako pero content moderator naman kaya ok lang. Basta hindi calls or chat, goods sakin. Di ko naman inexpect na magkakaroon ako ng crush. Pero alam ko naman thats completely normal hahaha. Pero weird lang 5 yrs yung age gap hahahaha di pa ko nagkacrush kahit kanino na ganun ka-bata.

Hawig sila ni Adie, yung singer. His name is Kelly Jake Aguinaldo. Akala ko talaga nung una MJ yung pangalan nya kasi nung nagnakaw ako ng tingin sa ID nya parang ganun yung nabasa ko. Buti nalang nung last day namin sa RTO for this month naitanong ng katabi ko sa trainer namin kung anong pangalan nya. Napagkamalan pa tuloy yung katabi ko na lalake ang type nya. Muntik pa nga ako mabisto na crush ko sya pano lalapit ba naman yung trainer namin sa kanya. Nung una Kelly lang tawag ng trainer namin. Tapos maya maya nag SBS na kami sa kanya kaya nalaman ko yung full name nya, via videocall kasi yung SBS namin so kita yung name. So yun kinabukasan WFH na kami. Naglakas loob ako na iadd sya sa FB. Inaccept naman nya tapos nung hapon after shift nag chat ako sa kanya. So yun normal normal chat lang.

Pero sana mawala na yung crush ko sa kanya kasi nakakahiya na sa ganitong age ko jusko. Sa celebrity nalang ako magkacrush para naman di nakakahiya yung ganito hahahaha

Ayun lang. Sana maging friends kami. :)

Friday, October 27, 2023

At the height of the pandemic in the Philippines

 2023 na, 2 months nalang 2024 na. Its been 3 years since nung nag lockdown dahil sa pandemic. Parang ang surreal parin nung memories ko during pandemic. And yes na covid din ako, august 2021 yun. Nung unang araw ng lockdown dito sa pinas which is in 2020, i turned to facebook agad to check kung anong nangyayari. Umaga yon, may pasok sa school ang anak ko, si mama naghahatid sa kanya kasi may work ako until past midnight (homebase ako) and tulog ako ng early morning. Pero nagising ako ng 7am to find out na umuwi ang anak ko from school dahil wala daw pasok. Syempre nag fb agad ako kung bakit walang pasok to check on news outlets. Nakalockdown na pala dahil sa covid. Pati MRT hindi operational. My bf was here that day din kasi dumating sya last night para ibigay sakin yung gift nya na wacom tablet, at umuwi sya around hapon, and i felt na ng time na yon na matagal kaming di magkikita. Kaya grabe yakap namin sa kanya ng anak ko, parang mag aabroad lang. So ayun nabusog ako ng news sa social media that made me anxious dahil sa madami ng nagkakacovid, tapos madami ng city ang nakaclose unless taga don ka. Sunod sunod na rin declaration ng mga companies na walang pasok and the following weeks naman inimplement ang work from home. Buti nalang sabi ko sa sarili ko, nakahomebase na ko bago pa magkacovid.

Nung lockdown, sobrang tahimik dito samin, walang videoke, walang mga bata sa labas na naglalaro, walang nagchichismisan, walang music, walang mga sasakyan, may talyer sa tapat namin at wala din mga customer. Maaga nagsasara mga tindahan, mahaba ang pila sa grocery, ang linis ng mga shelf dahil nahoard na ng mga taong nagpapanic dahil sa lockdown. Kelangan mo pa ng ID para makalabas o makapasok ka ng barangay at pinakaimportante dapat nakamask and later on pati face shield na din. Mayat maya din ako mag spray ng lysol at pag wala ng lysol, water with bleach and inispray ko sa mga madalas hawakan dito sa bahay namin. Pag may delivery kahit shopee/lazada/grabfood/foodpanda hindi mawawala na sprayan muna ng lysol, yes kahit pagkain ang laman kelangan parin ilysol. Ganun ako katakot mahawa sa covid. May mga colleagues din ako na namatay dahil sa covid at may mga nahawa pero gumaling din naman. At hindi rin ako nakaligtas, tingin ko nahawa ako dahil nagpunta ako ng dentist. Nung na covid ako akala ko katapusan ko na talaga. Nilalagnat ako, nagchichills ako, may ubo ako, sore throat, sipon, wala din akong panlasa at pang amoy, pero strange na lahat ng kainin ko lasang parang cardboard or flowers. Kaya di rin ako nakakain, di ako makatulog ng tuloy tuloy lagi akong nagigising, at takot din ako matulog kasi baka di na ko magising. Nakaquarantine din ako sa kwarto, nung una natakot ako na magpacheck na na covid ako dahil baka kunin ako dito sa bahay, pero nagpatesting parin ako at yun nga nag positive ako. Buti nalang pumayag naman yung barangay captain namin na dito nalang ako mag quarantine sa loob ng bahay since may sarili naman akong room. Yung anak ko sa sala natutulog at di rin ako lumalapit sa kanya. Lahat ng tao dito sa bahay nakamask din. Lumalabas lang ako pag kukuha ng food at pupunta ng cr. After a few weeks gumaling din ako.

Now, looking back sa pandemic, im thankful na nakasurvive ako. Pero minsan namimiss ko yung katahimikan ng pandemic. Maingay kasi dito samin, lalo na ngayon ilang araw nalang barangay elections na at puspusan yun pangangampanya ng mga kandidato. Sana maging tahimik na ulit dito samin minus the pandemic.

Friday, December 9, 2022

Ako Sa Huling Buwan Ng Taon

Just a few days before the year ends and hindi ko parin naaaccomplish yung goal ko for this month.

Balak ko kasi gumawa ng portfolio para makapag apply sa arts/design industry pero wala parin akong nagagawa. 

Tinry ko mag drawing araw araw and to get back sa 3D arts pero ngayon ilang weeks na kong tinatamad at walang ginagawa.

Nasabi ko din sa psychiatrist ko yung plano ko and sabi naman nya wag daw ako ma discourage na mag apply kasi hindi naman magiging judgemental ang HR kung bakit ngayon lang ako nag aapply sa ganitong trabaho.

One good news is nadagdagan ako ng 1 working day so it means dagdag pang gastos ko din sa mga gamot ko. Ayoko talaga matigil ng gamot kasi nakikita ko na may improvement ako.

Hoping for a much better 2023. :)

Sunday, November 13, 2022

Erase

Erase. Delete. Mga few years na din akong nag dedelete ng mga pictures at post sa FB ko. Naka untagged na din ako sa mga pictures at dinelete ko lahat ng friends ko sa FB, pati mga chats. Hindi rin ako pwedeng iadd o ifollow o imessage request. I think I've almost completely cut ties with my old self pero parang hindi parin, obviously... With no memories to look back to and no people to talk to I thought I'd carry on just well. 

Few months back (April 2022)  nag team building kami ng mga kawork ko, its the first time din na nakita ko sila since remote ang work namin. Nagpunta kami sa batangas nag rent ng house. That time I felt so empty. I'm surrounded with people, with strangers and yet I felt so empty inside. Napayosi pa nga ako non, after being clean since 2018. Pinilit ko magpakita na nag eenjoy ako, that I was okay. But come the next day which is yung check up ko with my Psychiatrist, nag break down ako. I broke down and cried. After that pinalitan ang gamot ko which I'm still taking up to now. Tingin ko maganda naman yung reaction ko sa gamot ko kasi mas kalmado ako ngayon though tinaasan yung dosage ko, siguro dahil din sa tinaasan dosage ko. Hindi na ko nagkakaroon ng suicidal ideation di tulad dati na almost everyday naiisip ko yon and natatakot na ko sa sarili ko. Na minsan ayoko ng lumabas dahil baka kung ano gawin ko at ayoko ng magising dahil ang shit lang ng buhay ka. Pero ngayon mas kalmado na lahat. Not perfect pero at least I'm getting by just fine.

Anyway naisip ko lang na isulat tong entry na to na matagal ko ng pinaplano talaga. Marami pa kong di nadedelete na pictures sa FB but I'm working on it. The more I erase people and memories, the more I feel empty like wala akong identity. Pero naiisip ko na mabuti na din yon na makalimutan ko yung nakaraan para maging ok ako sa future...

Sayonara. 

Saturday, October 15, 2022

Let Dreams Be Dreams

Late post or lets say late update sa life ko hahaha

Let dreams be dreams?

Last year 2021 nagplaplano ako to go for bachelors degree after ko mag vocational course sa Benilde. Gusto ko pa nga sana kumuha ng Animation Degree sa Benilde. Pero after thinking about it mas gusto ko mag Fine Arts. So fast forward application process and all, natanggap yung admission ko for Fine Arts sa University of the East. Bachelor of Fine Arts Major in Visual Communication. Enrollment nalang hinihintay. After ilang ulit na pag balik sa uni at palitan ng emails nawalan ako ng gana...

Gusto ko kasi mag free section dahil full time ako nag wowork pero super late na ng enrollment tapos naisip ko 5 days parin akong papasok kahit pa hindi ako regular student. Parang hindi ko kaya yon kaya naisip ko na wag na tumuloy...

Sayang kasi andami ko ng ginawa and all tapos biglang aayaw din ako. Then fast forward ulit pinaretrieve sakin mga documents ko. Isa din sa nawalan ako ng gana yung sabi ng Dean na di ko matatapos in 4 years yung degree kung di ako regular student.

So ayun let dreams be dreams nalang talaga siguro.

Pero naisip ko mag ETEEAP nalang kaso gusto ko kasi talaga mag arts degree.

If ever na mag ETEEAP ako English or Communication degree ang pwede sakin. Ang maganda lang don 1 year lang matatapos ko na daw.

I dont know. Nawalan ako ng gana mag aral. Sa ngayon nag hahanap ako ng work sa arts/design kahit wala pa kong portfolio. Browse lang ako ng browse sa jobstreet at indeed.

Anyway... Life goes on.



Sunday, October 2, 2022

Another Life Changing Event

Hindi talaga ako makapagkeep ng maayos na blog kahit kelan hahaha

either im so busy sa ibang bagay o nakakalimutan ko nalang

kahit yung blog ko ng college hindi ko rin naman nakeep but anyway matindi naman yung wrong grammar ko don so wag ng balikan

"Another Life Changing Event"

actually december 2021 pa nangyari tong "Major" event na to, but i will try my best na hindi na pahabain at isummarize nalang kasi inaatake na naman ako at need ko na uminom ng gamot pero tinatamad pa ko.

After several years na kinakaya ko at nauuwi lang sa simpleng term na "kadramahan" ay finally na diagnose ako na may Severe Depression at PTSD at nag gagamot ako ngayon. 3 yung gamot ko. Somehow naman nag ok yung pakiramdam ko pero andyan parin sya.

Nung una ayokong uminom ng gamot kasi natatakot akong maging dependent. Ilang beses din ako pinag sabihan dati na pumunta na ko ng psychiatrist pero feeling ko naooffend ako pag sinasabihan ng ganon saka feeling ko ayaw na ng mga tao na makinig sa mga "drama" ko kaya sinasabi nila na magpapsychiatrist ako. Feeling ko hindi naman ako baliw kasi ganun ang tingin ko sa mga nagpupunta sa ganon at lalong ayoko maconfine sa hospital ng mga baliw.

Until recently i decided na kumuha ng vocational course (6months) sa animation sa DLS-CSB na may mga nakilala ako na going through the same condition at yun din yung nag bigay lalo ng lakas ng loob sakin na magpunta na talaga kasi hindi na biro yung mga nangyayari at naiisip ko.

Base sa assessment sakin ng psychiatrist, bata pa ko meron na kong depression, tapos lumala, kaya eto ko ngayon may Severe Depression o yun tinatawag na Major/Clinical Depression in other terms tapos may PTSD pa. Not only that gusto akong iconfine sa psychiatric ward ng doctor kasi baka daw mag attempt na naman ako, pano kung mag success ako. Pero thankfully pumayag naman na wag na dahil ayoko talaga. Wala din kasi akong support dahil hindi alam ng kahit sino sa family ko yung about dito. Oops nag alarm na yung para sa gamot ko ngayong gabi. need na need na talaga kasi inaatake ako ng anxiety pag gabi.. brb~

a few moments later~

so yun binigyan ako ng mga gamot at ilang beses din ako nagpalit ng gamot at ng dosage kasi parang walang umeepekto sakin

katulad ngayon ilang linggo na akong malungkot, iritable at laging may iniisip. iniisip ko yung taong nakilala ko nung 2013 na ginawan ko din ng blog. gusto ko kasi syang hanapin, makipag connect sa kanya for some reason. ewan ko ba. nag chat at email ako sa dalawang email address nya, hinanap ko yung number nya sa back up ng dati kong phone, naghanap sa facebook, twitter, viber, google, mga taong may connection sa kanya pero ni isang picture nya wala akong makita. alam ko naman lilipas din to kasi nakamove on na talaga ako sa kanya noon pa pero for some reason talagang gusto ko syang kamustahin. may asawa at anak na ba sya? buhay pa ba sya? nasa ibang bansa na ba sya? o probinsya kaya? nakasurvive ba sya sa pandemic? iniisip ko nga ulit na bumalik ng call center para magbakasali na makita sya ulit pero hindi na kasi dun papunta yung buhay ko. hindi na sa call center... sana one day maisip nya na kamustahin ako. alam ko malabo pero sana lang naman.

anyway balik tayo, so dati PWD ako dahil sa orthopedic disability, pero nung nag renew ako, psychosocial disability na nakalagay. sobrang mahal ng gamot tapos monthly din ang check up ko. sa ngayon tatlo ang gamot ko, antidepressant, antipsychotic, at anxiolytic. hopefully hindi na madagdagan kaya sana naman kumalma na tong pag iisip ko sa taong nakilala ko ng 2013 para naman sa next check up ko maganda yung sasabihin ko sa psychiatrist ko. kasi pag hindi na naman, ay nako baka taasan dosage ko o baka magpalit ako ng gamot, o madagdagan. umiiyak na wallet ko pero para maging ok ako kelangan talaga. alam ko naman mas ok na ko ngayon kesa dati, mas may clarity ako. kagabi may suicidal ideation na naman ako dahil sa kakaisip kay 2013, as if naman na iniisip din nya ko. eh wala nga syang pakelam sakin haha

so ayon.. sana maging ok na ko... :)

Monday, March 25, 2019

PULP SUMMER SLAM 19: THE SECOND COMING

march 23, 2019
pinakaaabangan na araw ng mga metal sa buong pilipinas at pati sa ibang bansa
dinadayo din kasi ng mga foreigner ang pulp o slam
headliner this year ang SLAYER
na sadly final world tour na
umaga palang papasok sa office nag iisip na ko kung aabsent ba ko o mag hahalfday o mag sasakit sakitan
hindi kasi naapproved yung leave ko
wala din akong ticket, nahospital kasi ako, walang pera
bago ko umalis ng bahay nag palit pa ko ng damit
nakaskirt kasi ako na regular kong office attire
pero nagpalit ako ng jeans at yung event shirt last pulp 18
pagdating ko sa office umaasa ako na magkaroon ng voluntary time off
pero sa kasamaang palad wala, at 5pm pa out ko
nung lunch pumunta ko ng sm para bumili ng ticket
naisip ko bahala na
ginamit ko ang savings ko at bumili ng dalawang vip
isa sakin at isa sa bf ko na nag away pa kami
hindi kasi sya metal at walang hilig sa metal at kj lang sya kung tutuusin
anyway so much for the bad vibes
dumating ang 5pm talagang sobrang nagmadali ako dahil galing pa ko ng ayala
tapos sa amoranto pa yon most likely 6pm na ko makakarating
yung bf ko na nakakainsulto bumili pa ng headset sa cubao dahil may trabaho sya at kelangan daw nyang tapusin kahit nasa pulp kami
ang sabi ko maingay dun hindi nya magagawa yon
ang sabi nya hayaan ko daw silang mag ingay
ang asshole nakakasawang pakisamahan
insensitive
nakakasira sya ng excitement kung may kasama lang ako sa vip di ko naman sya aayain
kaso kasi nasa genad yung mga pwede kong samahan
dumating kami sa venue ng 6pm sabi ko ok na to kesa wala
emmure yung naabutan ko at parang iba sa pakiramdam na sa ibang gate ako pumasok
paakyat kasi yung hagdan tapos pag akyat ko kita ko yung buong amoranto ang daming tao at buhay na buhay din sa genad
nagtataka din ako bakit walang freebie kasi normally ang daming freebie pero nag chill lang ako at una kong hinanap ang stall ng event shirt excited lang ano kayang design nila this year
tapos nag tataka parin ako kasi normally may mga maliliit na stub yung ticket pero ewan ko baka may iba silang pakulo
pero nung nag tanong ako sa pilahan ng red horse kung may free beer, sabi wala daw
nung nasa pilahan naman ako ng food nag tanong ako ulit kung may freebie, wala din daw
late comer kasi ako kaya gusto ko talagang malaman kung may freebie o wala
may mga nakikita din kasi ako na may dala na poster siguro o calendar iniisip ko san nila nakuha
pero hindi ko rin nalaman kung san nila nabili dahil wala akong nakita o baka natakpan somewhere
nasa unahan ako tulad ng dati
wala kong balak umislam puro headbang lang ako
masama kasi sakin ang masyadong force sa katawan dahil sa spine ko
pero nung thy art is murder na wala akong choice hahahaha!
iniislam na ko nung mga katabi ko puro lalake pa ang lalakas hahahaha kaya umislam narin ako dahil pag di ako gumalaw dun ipit ako hehe
minsan lang naman to titiisin ko nalang yung sakit, actually hanggang ngayon nakakaramdam parin ako ng sakit ng katawan kahit lunes na
nung slayer na lalong nagkagulo slaman headbang circle pit actually nagpawall of death pa yung thy art is murder hindi nga lang ganun kaangas yung wall of death
isang oras na tuloy tuloy lang tumugtog ang slayer napakaangas mapapamura ka ang gagaling
si kerry king na matagal kong pinangarap na mapanood ng live dahil ang galing nya mag gitara, minsan din kasi akong nangarap na maging leadista napanood ko na din
tangina talaga!! slayeeeeeeer!!
napakalapit lang nila sulit na sulit yung vip ko kahit wala nung mga nakasanayan ok na ok lang
ang importante nakita ko sila hindi sa tv hindi sa malayo kundi malapitan
meron lang siguro isang dipang layo na pagitan kung wala lang bouncer baka nahawakan ko pa ang kamay nila
this is the best pulp summer slam in my life thank you pulp thank you vernon thank you sa mga banda na tumugtog at thank you slayer dahil kasama kami sa mga bansa na binalikan nyo para sa final world tour nyo
nung matapos silang tumugtog isa isa silang nag ikot sa stage at nagpamigay ng pick at drumstick sa crowd
lahat nagchachant ng slayer slayer slayer
ang mga tao nagpapasalamat
nakahorns up
pumapalakpak
gusto ko maging emosyonal din pero pinigilan ko nahihiya akong mapaiyak
nakita ko sa mukha ni tom araya yung lungkot habang tinitignan nya ang crowd
nasa mukha nya yung itsura na sinusulit nya yung mga sandali na hinding hindi na mauulit oras na mag retiro sila
naiintindihan ko ang pagmamahal nya sa musika dahil tulad nya mahal ko din ang musika
dama ko yung masaya sya na nakatugtog sila at masaya sya na makita ang mga tao pumunta pa galing sa malalayong probinsya at malalayong bansa, australia, argentina, uk, atbp.
sold out ang pulp royalty, ngayon ko lang din nabalitaan na nasold out ang pulp royalty
hanggang ngayong parang gusto ko parin umiyak parang may nakabara sa lalamunan ko pero di ko magawa
paulit ulit sakin yung moshpit yung marinig sila ng live makita sila ng live
ng humarap sa dereksyon namin si tom talagang pumalakpak ako sa kanya
ibang klase
slayer hindi mapapalitan ng kahit sinong banda
napakalupit
pati sa last words ni tom araya


"thank you very much, we'll miss you guys... good night."


nag wave sya at umalis

kahit nung matapos na yung pulp parang ayoko pang umalis
talagang ayoko pang umalis hindi ko alam kung bakit
magkahalo yung saya at lungkot ko
eto namang kasama ko uwing uwi na nakakabadtrip lang eh dapat dun tinapon ko sa gitna ng wall of death
anyway, pati yung last na ewan ko big poster tarpaulin sa likod ng slayer nakalagay pangalan ni hanneman, hanneman at yung angel of death, si hanneman yung namatay nilang gitarista, sumulat ng angel of death, raining blood at south of heaven kung san kinuha yung the second coming
nahulaan ko nga din na slayer yung headliner dahil sa theme na the second coming, nasa lyrics kasi ng south of heaven to at 2nd time din nila sa pinas ngayon, last time na din pala


bago ko umalis pinicturan ko pa yung stage ng pulp sa gitna

mabigat ang mga paa ko na umalis ng amoranto
parang ayoko pa talaga matapos lahat
pasado 11.30 lang ng gabi


SLAYER HINDING HINDI KO KAYO MAKAKALIMUTAN MARAMING SALAMAT SA MEMORABLE EXPERIENCE AT SA MUSIC SALAMAT, SALAMAT!!!